Kris Aquino, isiniwalat ang naging sakit

Kris Aquino, isiniwalat ang naging sakit

October 11, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ibinahagi ni queen of all social media Kris Aquino ang lumabas sa mga medical test na isinagawa sa kanya noon sa Singapore.

Kinumpirma ni Kris na mayyroon siyang Chronic Spontaneous Urticaria ayon sa mga doktor.

“To be specific I now know I have Chronic Spontaneous Urticaria, and yes, mine is an autoimmune disease. I am now, and for the rest of my existence will be, on high dosage antihistamines and having the EpiPen will always be crucial. Severe allergies are life threatening because of anaphylactic shock,” pahayag nito sa kanyang Instagram post.

Ang Chronic Spontaneous Urticaria ay ang sunod-sunod na pagsulpot ng urticaria o pamamantal sa balat.

Isinugod si Kris sa Singapore sa takot nab aka ito ay isang lupus gaya ng sakit ng sikat na singer na si Selena Gomez.

“Kuya (Josh) was anxious and confused. Bimb knew Selena’s journey. It was heartbreaking to see my 11 year old crying inconsolable tears and pleading, ‘please don’t leave me mama.’ Bimb even offered me his kidney,” pahayag nito.

“Ang pera magsipag ako, kikitain ulit. PERO HINDI PO MABIBILI ANG EXTENSION SA BUHAY,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat din si Kris sa kanyang mga follower na kasama niya sa mga pagluha at saya. (Remate News Team)