Kris at Bea, tabla sa no. 5 richest celebs!

Kris at Bea, tabla sa no. 5 richest celebs!

October 8, 2022 @ 2:49 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nangunguna si Sharon Cuneta sa talaan ng Top 30 celebrities na may pinakamalaking assets.

Five point two (5.2) billion pesos ang sinasabing net worth meron ang Megastar.

Ito’y base sa listahan which is now making social media rounds.

Maitatanong siyempre: nasaan na si Kris Aquino?

Alam naman kasi ng lahat na bilyon din ang assets ni Kris.

Well, nasa Top 5 siya sharing the spot with Bea Alonzo!

Mas nakakagulat si Bea dahil kumpara kina Sharon at Kris ay kelan lang naman pumasok ang Kapuso actress sa showbiz.

And undeniably, ang P1B ni Bea ay naipon pa niya noong nasa ABS-CBN pa siya.

Interestingly, tahimik lang si Bea who does not flaunt her branded stuff or jewelry but her sprawling farm in Zambales.

Puwera pa rito ang kanyang mga negosyo plus her plush residence in Madrid, Spain.

Kinabog nga ni Bea sina Heart Evangelista at Gretchen Barretto.

Based on the list, Heart has P396 million while Gretchen has P320 million– mga pigurang malayo sa 1B mark nina Sharon at Bea.

Magsilbi sanang inspirasyon ang talaang ‘yon sa ibang artista when it comes to financial management. Ronnie Carrasco III