Kris Bernal, G sa Pagpapasilip ng Kilikili!

Kris Bernal, G sa Pagpapasilip ng Kilikili!

August 5, 2020 @ 11:06 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Again, Kris Bernal posted a sexy pic habang nagka-cardio work out pero this time ay buong ningning niyang winagayway ang kanyang makinis na kaliwang kilikili.

Sa picture ay agad na mapapansin ang kanyang bicep at malapad na blades na malamang ay bunga ng kanyang pagwo-work out.

Ngunit si Kris na rin ang nagsabi sa kanyang caption na marami na ang nagbago sa kanyang katawan dahil nga sa nangyaring ‘longest lockdown’.

“Personally, I miss my way of training on the gym and having proper equipment,” simula pa niya dahil sa bahay na nga lang niya ginagawa ang kanyang pagwp-work out.

Aminado siya na hindi kumpleto ang gamit niya sa bahay kaya mas napaparami ang kanyang cardio exercises.

Kahit na noticeable ang mga muscles sa kanyang ay sinabi niyang nabawasan na ito at umimpis.

“I do feel i lost quite a bit of muscle and strength but I also feel a lot leaner,” sabi pa ni Kris.

Sa bandang gitna ng kanyang caption ay pinatamaan niya ang mga nagba-body shame sa kanilang sarili.

“Our routines, diets, jobs and lifestyle are messed up because if this longest lockdown…but being extra harsh on ourselves and body shaming ourselves should be less of a worry given the situation,” page-explain ni Kris.

Dagdag pa niya, normal lang daw ang mga pagbabago sa katawan at marami naman ang nakararanas nito.

“And just a reminder that your body is no one else’s business and doesn’t define you inside,” malalim pa niyang pahayag.

Mukhang malalim ang hugot ni Kris but in fairness, korek naman siya! Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...