COVID-19 wave posibleng umabot ‘gang ‘ber’ months – OCTA Research

August 8, 2022 @3:24 PM
Views:
7
MANILA, Philippines – Posibleng umabot ang “prolonged” COVID-19 wavesa bansa hanggangf “ber” months, ayon kay OCTA Research fellow Guido David nitong Lunes.
Sinabi ni David na mas matagal kumpara sa inaasahan ang kasalukuyang wave, at sinabing ang Omicron BA.4 wave sa South Africa ay nagtagal lamang nang dalawang buwan.
“Nagsimula [dito sa Pilipinas] more or less around June, July to August so dapat naka-two months na tayo,” ani David sa Laging Handa briefing.
“Pero hindi pa tayo nasa peak. It’s taking longer. Right now, it’s looking like it will last up to 4 to 5 months, well into the ‘ber’ months,” dagdag niya.
Ipinaliwanag ni David na ang mas matagal na COVID-19 wave sa bansa ay posibleng dahil sa iba pang variant na nagdudulot ng karagdagang impeksyon.
Isa pang posibilidad, base kay David, ang humihinang immunity mula sa mga bakuna sa pag-unti ng mga nagpaparturok ng COVID-19 booster shot.
“Most of them had their vaccines last year pa and konti lang yung nagpa-booster so nagkakaroon ng waning immunity. Bumababa yung antibody levels natin,” sabi ni David.
“Then, adherence to minimum public health standards is always important,” patuloy niya. RNT/SA
Binata, 4 beses tinarakan ng distilyador ng katoma!

August 8, 2022 @3:19 PM
Views:
12
Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng binata matapos pagsasaksakin ng kainumang karpintero sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang suspek na si Ernesto Floro, 53, habang ang biktima ay si Rolly Sara, 36, helper, kapwa residente ng Brgy. Kaypian.
Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang ala-1:35 ng madaling araw nitong Agosto 7, sa Brgy. Julo Kaban.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng saksi, masayang nag-iinuman ang dalawa nang biglang magkaalitan at magsuntukan.
Sa kasagsagan ng suntukan ay dumampot ng screwdriver ang suspek hanggang sa
tarakan ng tatlong beses sa dibdib at kanang braso ang biktima.
Nang humupa, agad dinala ang sugatang biktima sa Ospital ng Lungsod para sa paunang lunas habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa lugar.
Dahil dito, mabilis na humingi ng saklolo ang mga kaanak ng biktima sa mga tanod na rumesponde sa lugar kaya naaresto ang suspek at isinuko naman sa pulisya kalaunan.
Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III
6 HVI, 170 gramo ng shabu kumpiskado sa Montalban!

August 8, 2022 @3:12 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Swak sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makumpiska sa kanila ang 170 gramo ng hinihinalang ilegal na droga sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mukarsa Majindie, high value individual; Juhar Jailani, Randy Serrano, Maria Iya Aldana, Robert John Baradi, at Jerome Lim, mga residente ng Almaje St., Avatex, Brgy. San Jose, sa nabanggit na bayan.
Dakong ala-1:45 ng madaling araw nitong Linggo, Agosto 7, nang isagawa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.
Nakumpiska ng mga tauhan ni Custudio sa mga pinaniniwalaang tulak ang 20 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 170 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,156,000; P7,000 boodle money; P1,000 buy-bust money; at shabu paraphernalia.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa detention cell habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rene Tubongbanua
Marcos inaasahang dadalo sa UN General Assembly – Amb. Romualdez

August 8, 2022 @3:00 PM
Views:
15
MANILA, Philippines- Inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at magiging speaker pa sa United Nations General Assembly sa darating na Setyembre, ayon sa Philippine Ambassador sa United States nitong Lunes.
“Yes, that’s correct,” tugon ni Ambassador Jose Manuel Romualdez nang tanungin kung dadalo si Marcos sa event.
Inilahad niya na na-book na ang flight ni Marcos bago pa pormal na umupong presidente, dahil ito ay “first come, first served” basis.
“So President Marcos is expected to speak at the UN on September 20th which is the day it starts,” ani Romualdez.
“There are many people who are very eager to listen to him from what I’m told. We have several heads of state who have asked if they could have a meeting with President Marcos. So it’s going to be something that’s going to be very important for the country,” dagdag niya.
Ibinahagi rin ni Romualdez na may balangkas na si Marcos ng kanyang talumpati.
“I think we are sort of ready to tell the world that we’re here, we’re going to play a major role in the global community, and more importantly which is really part of what President Marcos has always said, the recovery from the pandemic is not going to be done by one country alone but by the world. That probably will be his message,” aniya.
Samantala, sinabi ni Romualdez na posibleng banggitin ni Marcos ang seguridad, ang West Philippine Sea, at ang 2016 arbitral ruling laban sa South China Sea.
“I think that that’s probably going to be mentioned, generally, I suppose,” sabi niya. RNT/SA
14 pasahero ng tumaob na motorbanca, nasagip

August 8, 2022 @2:48 PM
Views:
12