Kris Bernal, napikon sa body shaming!

Kris Bernal, napikon sa body shaming!

December 6, 2021 @ 5:45 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Mukhang hindi na bago at sanay na sanay na si Kris Bernal at ang mga supporters nito sa kaliwa’t kanang body shaming na natatanggap ng aktres mula sa netizens.

Simula kasi nang magpost siya ng picture kung saan noticeable ang pagpayat nito, hindi na talaga siya tinantanan ng bashers.

May ilan pa ngang sinasabi na tigilan na niya ang pagpapa-sexy dahil malapit na siya sa pagiging kalansay.

Nagpahinga lang ng ilang araw, heto na naman, dinumog na naman ng bashers si Kris.

Sa Instagram update kasi ng aktres, nagpost ito ng picture in nude bikini while drinking coffee.

Bukod sa bashers, marami rin ang positibong komento mula sa netizens at kapwa artista. Umambon ng fire reacts meaning, they find Bernal so hot na talaga namang pinainit ang Pilipinas despite the cold weather dahil papalapit na ang Pasko.

Pero ang mga ‘Marites,’ ayan na naman sa mga “kalansay” at “buto” comments. May ilan na hindi na napigilang magtanong kung anorexic ba ang aktres.

Naku, stop body shaming guys. May kanya-kanya tayong preferred body shape and type. Maaaring ‘yan ang gusto ni Kris na katawan, maaaring hindi niya rin ginusto at merong pinagdadaanan.

Pero lahat nang ‘yan ay haka-haka lang ng mga tao. Wala naman kasing inaamin si Kris in public.

May pagkakataon pa nga na ipinagtanggol ito ng isang netizen from her bashers at sinabing, “may sakit si Kris” kaya ganyan ang katawan pero hindi nagustuhan ng aktres ang pagtatanggol na ito sa kanya dahil sa halip na magpasalamat ay binara niya ito.

Hmmm. Let’s wait. Maybe one of these days, mag-share siya about her body. Paula Jonabelle Ignacio