Kris Bernal, tumaba; netizens, natuwa!

Kris Bernal, tumaba; netizens, natuwa!

September 19, 2022 @ 5:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kung dati ay kaliwa’t kanang bashing at body shaming ang natatanggap ni Kris Bernal from the netizens, this time, it’s the other way around.

Sa isa sa latest Instagram posts kasi ng actress, makikitang she gained weight.

“Nagkalaman ang braso at pisngi,” comments from the netizens.

Mukhang nagugustuhan naman ni Kris ang papuri na binibigay sa kanya ng netizens.

She even proudly captioned her video with, “From 95 pounds to 107, from a 22-inch waistline to 25, from XS to S, from working out every other day to 1-2x a week, from a cup of quinoa to cups of rice, etc etc etc.”

Hmmm. Nagbago na kaya ang body goals ng aktres? Matatandaang matagal-tagal din niyang na-maintain ang pagpapayat na pinag-isipan pa ngang ‘sakit’ o illness ng ilang fans niya.

Ngayon, mukhang it’s her husbands fault. Galing din kasi mismo sa caption ni Kris that Choi loves cooking kaya naman napapakain talaga siya.

Congrats on your new body, Kris! Paula Jonabelle Ignacio