Kris, binura ang bakas ng jowa sa socmed, hiwalay na?

Kris, binura ang bakas ng jowa sa socmed, hiwalay na?

January 3, 2022 @ 6:48 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Binura ni Kris Aquino  ang lahat ng posts n’ya sa Instagram n’ya na may kinalaman kay Mel Sarmiento, ang lalakeng nu’ng mga huling buwan ng 2021 ay ibinando n’yang  nakatakda nang pakasalan siya.

Huwag kayong malito. Ang personal Instagram ni Kris ay @krisaquino at mukhang si Kris mismo ang administrator nito.

May Instagram ang fandom ni Kris na ang sinyal ay @krisaquinoworld na may sariling administrator. Sa Instagram ng fans n’ya, may mga litrato pang magkasama sina Kris at Mel.

Ang huling post ni Kris na nabanggit si Mel ay nu’ng mismong Christmas Day. Pero in-edit yon ni Kris at tinanggal ‘yung tungkol kay Mel.

Binura ni Kris ang sentence na: “Thank you babe for being my strength, and because makulit talaga ako sa facts, for making sure na tama lahat ng dates & figures na nilabas natin.”

Nu’ng December 21, nagbakasyon sina Kris at  Mel sa kung-saan.

Kris even shared a video where she and her boyfriend lined up at the airport counter. The video has been removed.

Habang isinusulat ito, ang huling post sa Instagram ni Kris ay ‘yung December 25 pa rin.

Pero sa @krisaquinoworld, may New Year greetings si Kris na ang litrato ay silang mag-iina. Ibinalita ni Kris na mananatili muna si Josh sa piling nila ni Bimby. Walang mention at all tungkol kay Mel Sarmiento na naging secretary of Interior and Local Government nu’ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Nakilala ni Kris si Mel sa pamamagitan ni President P-Noy. Kasama pa ni Kris si Mel nu’ng nag-relief operations siya sa Negros para sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Danny Vibas