Kris, gusto nang sumuko, sasailalim sa chemo!

Kris, gusto nang sumuko, sasailalim sa chemo!

September 8, 2022 @ 8:00 AM 2 weeks ago


Texas, USA – Pasintabi muna sa aming mga mambabasa…walang cancer si Kris Aquino pero kailangan niyang sumailalim sa chemotherapy.

Ito ang nilinaw mismo ni Kris makaraan ang dalawang buwang pamamahinga sa social media.

Nasa ospital pa rin siya sa Houston, Texas.

Aniya, kailangan daw niyang mag-undergo ng chemo bilang immunosuppressant.

Ito’y para mapangalagaan ang kanyang tissues bunga ng autoimmune disease na taglay niya.

Kinorek nga ni Kris ang sinabi ng kanyang Ate Ballsy na dalawa pang uri ng autoimmune disease ang natuklasan sa kanya, making it a total of four.

Ani Kris, nalito raw ang kanyang ate dahil dito pa lang daw sa bansa ay may tatlo na siya.

“And there will be fifth. Pinakyaw ko na,” pagbibiro ni Kris.

Winarningan na rin daw siya na malulugas ang kanyang buhok dahil sa chemo.

Maaari ring ma-damage ang ilang organs niya pero nagbiro siya na: “Saka muna ang vanity!”

Totoo rin daw na ilang beses na niyang gustong sumuko.

Ito’y dahil sa fatigue, pananakit ng katawan at pagiging bedridden.

“Pero mahiya naman ako sa mga nagdarasal para sa paggaling ko,” aniya.

Hindi binanggit ni Kris kung hanggang kailan siya mananatili sa ospital but she considers herself lucky for having the means to seek treatment for her health condition.

Keep the faith, Kris! Ronnie Carrasco III