Kris, hindi napagaling sa Amerika, magbabaka-sakali sa Singapore?

Kris, hindi napagaling sa Amerika, magbabaka-sakali sa Singapore?

August 2, 2022 @ 7:23 PM 2 weeks ago


TEXAS, USA – Mula sa Houston, Texas USA, ay lilipad papuntang Singapore si Kris Aquino para roon ituloy ang kanyang pagpapagamot.

ito ang kwento nina Nanay Cristy Fermin, Rommel Chika at Morly Alinio sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na.

Sabi ni tita Crsity, “Mayroon na namang bagong nagpadala sa atin ng impormante o impormasyon,”

Bago itinuloy ni tita Cristy ang kanyang sasabihin ay biglang sumingit si Morly. Sabi niya, gusto nilang pasalamatan ang mga taong nagtitiwala sa kanila dahil sa kanila ibinibigay ang mga impormasyon na para lang sa Showbiz Now Na.

Dagdag ni Tita Cristy, “’Yung effort po na ipinadadala ninyo sa amin, ‘yung pagtitiwala na ibinibigay ninyo sa amin sobra pa po sa sapat ‘yun maraming salamat po, mga kababayan natin.”

So, ang source pala nina Tita Cristy ay ‘yung  mga kapwa-Piipino natin na nasa America.

Hirit din ni Rommel,na lahat ng nakararating sa kanila na impormasyon ay ibinabahagi rin nila sa kanilang subscribers para alam din ng mga ito.

“Si Kris Aquino raw po, nu’ng dumating sa Houston ay diretso raw po sa Baylor St. Lukes Medical Hospital.

“At ‘yung inilabas po naming address doon sa botelya nga ng gamot para sa COVID ni Josh, totoo po ‘yun. Napakalalaki raw po ng mga mansyon sa hilera na ‘yun. Kung baga dito, millionaires row.”

“Pero ate Cristy ‘yung nagkuwento niyan, iba rin sa nagkuwento sa akin kasi ang dami po talagang nagpapahatid na sources, iba-iba po ‘yung mga ikinukuwento nila. Imagine ate Cristy may panahon sila para sa atin,” singit ulit ni Morly.

Pagpapatuloy pa ni tita Cristy, nagkalat daw talaga ang ‘Marites’ sa buong mundo at sa kanilang online show lang daw ipinadadala.

“At ito po, sa balita na lilipat na raw po ng Singapore sa kanyang pagpapagamot si Kris Aquino, ‘yun ang pinakabago,” ani pa ni tita Cristy.

Kung lilipad patungong Singapore si Kris, ibig bang sabihin ay hindi siya napagaling sa  pagpapagamot niya sa Houston, Texas, at kailangan pa niyang magpagamot ulit sa ibang bansa?

Dalangin namin na gumaling na si Kris. Kaya sana ay ipagdasal din natin siya. Sabi nga kapag maraming nagdarasal sa isang tao ay gagaling siya, ‘di ba? Rommel Placente