Kris, lilipat sa ibang state, suportado ng mayayamang kaibigan!

Kris, lilipat sa ibang state, suportado ng mayayamang kaibigan!

September 20, 2022 @ 2:19 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Nadagdagan ang support system ni Kris Aquino.

Ito’y sa katauhan ng mga newfound friends niya na may mga sinasabi raw sa buhay, as in wealthy.

Ang mga bukod na pinagpalang ito raw ang siyang tumutulong at umaalalay kay Kris while undergoing treatment in Houston, Texas.

Mostly if not all ay mga kababayan daw natin ang mga ‘yon who are at Kris’ beck and call.

Kaya raw appreciative si Kris sa tulong ng mga ito dahil these people give her a homey feeling away from home.

Matatandaang over the week ang latest post ni Kris tungkol sa kanyang health updates.

Ayon daw sa kanyang mga doktor, kinakailangan niyang sumailalim sa chemotherapy.

Ang latest, Kris is planning to fly to another state pero hindi pa tiyak kung saan.

Doon daw ipagpapatuloy ang gamutan to address her autoimmune disease.

Masaya naman ang mga taong patuloy na nagdarasal para kay Kris.

In the company of newfound friends, nakakadagdag daw ito para magkaroon siya ng happy disposition to fight anxiety.

Parang sequel lang ng Crazy Rich Asians ang peg! Ronnie Carrasco III