Kris, masaya na, ayos na ang kalagayan?

Kris, masaya na, ayos na ang kalagayan?

July 22, 2022 @ 7:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Harinawang may katotohanan ang balitang maayos na ang kalagayan ni Kris Aquino.

Ito ang pinaksa ng latest episode ng online show na Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Rommel Tsika.

Ayon kay Cristy, alinman sa dalawang tanyag na ospital sa Houston, Texas posibleng naka- confine si Kris.

Matatandaang iniulat namin dito sa Remate Online na ayon mismo kay Cristy, hindi matunton kahit mga Pinoy medical workers sa Amerika kung saang ospital dinala si Kris para gamutin ang kanyang autoimmune disease.

Pero ayon sa impormasyon mula sa kanyang source, madalas daw dalawin ng mga pulitiko si Kris.

Nagkakasayahan pa raw sila sa mismong hospital room ni Kris.

Kaiba naman din daw ‘yon sa kumalat kamakailan tungkol sa pagpanaw ni Kris, na agad binansagang fake news ni Cristy.

Samantala, natunton umano ang magarang tirahan ni Kris sa Houston sa pamamagitan ng address na nakasulat sa resetang nakapangalan sa anak ni Kris na si Bimby.

Naglabas ng larawan ang SNN mula sa isang source ni Morly pero hindi ito kumpirmado. Ronnie Carrasco III