Kris, nabawasan ng isa ang sakit, tatlo na lang!

Kris, nabawasan ng isa ang sakit, tatlo na lang!

February 23, 2023 @ 3:00 PM 1 month ago


California, USA – Answered prayer.

Ganito kung ilarawan ni Kris Aquino ang latest medical updates sa kanyang kalusugan.

Ito ang nilalaman ng pinakabagong video na ipinost niya.

Supposedly kasi ay sa July pa ang kanyang appointment sa kanyang doktor.

“Suddenly, I got a notification two days ago that my doctor was available on Friday,” lahad ni Kris referring to her February 17 meet-up with her doctor.

Kuwento niya, hiningi raw ng kanyang doktor ang medical history niya.

“Then he said he read the results, ‘It’s positive but it’s not active.’ Kumbaga, nawala ‘yung isang sakit ko. Di ba, I have four autoimmune diseases?”

Sapat na raw ‘yon para kahit paano’y gumaan ang kanyang kalooban.

Ang medyo ininda lang ni Kris ay ang pagkuha raw sa kanya ng maraming dugo.

Tumaas daw kasi ang kanyang blood pressure.

Nevertheless, hindi nakalimot si Kris na pasalamatan ang mga taong nagdarasal para sa kanya.

Maituturing na belated birthday gift na natanggap niya ang latest result ng mga tests run on her.

Kung may tatlo pang natitirang autoimmune diseases, harinawang mangawala na rin ang mga ‘yon.

Matatandaang abut-abot ang pasasalamat ni Kris sa doktor niya na kung ilarawan niya’y among the best in the US.

It’s reassuring to know na nagbubunga na nang maganda ang kanyang treatment so that hopefully, she can come home and be back on her feet again. Ronnie Carrasco III