Kris, nadadagdagan ang timbang!

Kris, nadadagdagan ang timbang!

October 22, 2022 @ 4:53 PM 1 month ago


Los Angeles, USA – Two months ago nang ibalita ng kanyang Ate Balsy na wala pa raw sa 90lbs ang timbang ng bunsong kapatid na si Kris Aquino.

The good news is that sumampa na sa 90lbs ang timbang ni Kris!

Ito ang ibinalita ng mag-tandem na sina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang online show na Ichika Mo Na, Dali!

Ani Ogie, with Kris’ weight gain, it goes to show na effective ang isinasagawang treatment sa kanya sa Amerika.

Even more effective siyempre ay mga panalangin para bumuti na ang kalagayan ni Kris.

At kung tuluy-tuloy na raw ang kanyang papabuting kundisyon ay malamang na makakauwi na raw ito.

In a separate news item, naibalitang bumalik na raw ang old self ni Kris who’s known for being an engaging conversationalist.

Balik tsika raw ito sa mga taong dumadalaw sa kanya roon.

Bale nakabase ngayon si Kris sa Los Angeles mula Houston, Texas.

Samantala, may kuwento rin tungkol sa anak niyang si Bimby na kinaaaliwan ng mga Pinoy roon.

Once Bimby got invited by a group na nanlibre sa kanya, and he was so appreciative sa gesture na ‘yon.

Nang sumunod na pagkakataong inimbitahan daw uli siya at ililibre ay tumanggi ito.

Siya naman daw ang magbabayad ng bill.

Katwiran ni Bimby, turo raw ‘yun ng kanyang ina.

Never to be a freeloader, that is.

Lalo tuloy bumilib kay Bimby ang ating mga kababayan which is only reflective of the way Kris brought him up. Ronnie Carrasco III