Kris, ‘sagad sa buto’ ang ramdam na sakit, mananatili pa sa Amerika!

Kris, ‘sagad sa buto’ ang ramdam na sakit, mananatili pa sa Amerika!

November 26, 2022 @ 2:55 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagpost na uli si Kris Aquino kaugnay ng estado ng kanyang medical condition.

Ibinahagi niya ito sa Instagram nitong November 24.

Aniya, she is raring to come home from the US.

But this won’t be possible as she needs to extend her stay.

Sa katunayan daw, nag-file na siya ng mga kaukulang dokumento sa US immigration para sa extension ng kanyang pananatili roon.

Aniya, nasa Step 1 pa lang daw siya sa tinatayang 18 buwan ng kanyang diagnosis at pagpapagamot doon.

Iba raw kasi ang proseso roon kung saan ang unang step niyang ginawa ay isumite ang kanyang medical records dated 2018 noong ma-diagnose siyang merong autoimmune disease sa Singapore.

Sinabi rin ni Kris na ia-admit siya early part ng January sa susunod na taon.

Sa ngayon ay patuloy siyang nakikipag-usap sa kanyang mga multidisciplinary doctors.

Allergic din siya sa mga pain relievers at lahat ng uri ng steroids.

Inihalintulad ni Kris ang nararamdaman niyang sakit dulot ng kanyang karamdaman bilang “sagad sa buto.”

Gayunpaman, Kris is trying to put up a good fight dahil aniya, ang mga anak niyang sina Joshua at Bimby ang pangunahing dahilan para mapanagumpayan ang kanyang laban.

Kris hopes to cook, travel, go to church and have fun with her children.

Nilinaw din ni Kris na buhat noong June ay hindi pa siya nakakapunta sa resto, grocery o mall taliwas sa napabalita na nakita siya sa mga nasabing pampublikong lugar.

Gusto ring ipaabot ni Kris ang pasasalamat sa mga bumisita’t nagdarasal para sa kanya, kabilang doon ang ilang mga miyembro ng Iglesia ni Kristo. Ronnie Carrasco III