Kris sinabihang pangit, rumesbak!



Kris sinabihang pangit, rumesbak!

June 10, 2021 @ 11:06 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – May ilan ang natuwa sa gumagandang kalusugan ni Kris Aquino these days after posting a video kung saan  makikitang nag-a-arrange siya ng mga bulaklak kasama ang ilang florists habang nakamasid ang anak na si Bimby.

Hindi kaila sa publiko na may problema sa autoimmunune system ni Kris, dahilan para regular siyang magpa-check up at sumunod sa mga bagay na ipinagbabawal sa kanya.

Kung may natuwa sa healthy look ni Kris ay taliwas naman ito sa comment ng isang netizen na, “Ang pangit pala ni Ms. Kris kapag walang makeup. Just saying.”

Hindi pandededma ang isinuagot ni Kris kundi, “I could so easily say a bitchy comment about your looks pero bakit pa? Hindi naman ‘yon ikagaganda ng buhay ko o makakatulong sa lipunan.”

Siguro raw ay salat sa kaligayahan ang netizen na ‘yon, dagdag niya: “Thank God, ‘di ba, gumaganda ako pag may makeup?”

Hindi na humirit ang adelantadong netizen. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •