Kris, tadtad ng pantal sa mukha!

Kris, tadtad ng pantal sa mukha!

January 28, 2023 @ 1:19 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Papuri na may kasamang lungkot ang nag-iisang reaksyon ng mga netizens sa ipinost na video ni Kris Aquino as she greeted her late mom na si dating Pangulong Cory Aquino on her supposed 90th birthday.

“Happy 90th birthday, mom in heaven (birth anniversary)!” bati ni Kris.

Medyo may hatid na kalungkutan nga lang ang nilalaman ng video.

Sa bandang simula nito, makikita ang mga old photos ni Kris particularly noong she was still in the pink of health.

May baby picture pa siya in sepia habang kalong ng ina.

Kaso, a feeling of sadness sets in sa bandang dulo ng video.

Makikita kasi ang hitsura ngayon ni Kris na malayung-malayo from how she looked then.

Tadtad ng mga pantal ang noo’y malasutla niyang mukha dala ng kanyang allergies.

It’s a known fact that Kris is suffering from at least five autoimmune diseases as per the latest medical findings.

Pero nakakagaan ng kalooban para kay Kris ang mga salita ng paghanga mula sa mga netizens na bilib sa kanyang katapangan sa kabila ng pinagdaraanan niya.

Sey ng isang netizen: “Grabe, ang tapang mo, Kris! I can almost feel your pain.”

Still another netizen posted her wish na sana’y umayos na ang kanyang kaligayahan.

Isinama rin nito sa kanyang panalangin ang dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.

January 25 ang kaarawan ni Tita Cory who succumbed to colon cancer several years ago.

Kris, on the other hand, will turn 52 this February 14. Gift of healing ang sana’y regalong matanggap niya para makabalik na sa showbiz.

Let’s face it, showbiz will never be the same without her. Ronnie Carrasco III