Krisis sa tubig, hindi pa tapos – MWSS

Krisis sa tubig, hindi pa tapos – MWSS

March 18, 2019 @ 7:13 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kahit 90% na ang ibabalik na suplay ng tubig ng mga apektadong lugar ay hindi pa rin dito natatapos ang krisis sa tubig.

Ayon kay MWSS administrator Reynaldo Velasco, maaari pa ring makaranas ng kakulangan sa tubig ang ilang mga lugar.

“There is water flowing already but it doesn’t mean that it is 24 hours. Some are 4 hours, 8 hours, 12 hours, depending on the area,” ani Velasco.

“The improvement is more on the fact that there are now supplies going into the areas, especially those areas that are affected, especially Mandaluyong.”

Binigyang diin naman ni Velasco na sinimulan na nila ang pagsasaayos ng mga aqueduct at tunnel mula sa La Mesa Dam at Angat Dam bilang isa sa mga solusyon sa nararanasang krisis sa tubig.

“What is our immediate solution to this? Since two years ago, we have already started correcting our aqueducts and our tunnels regarding the water coming from Angat and the La Mesa common portal, where the two concessionaires are getting their share,” ani Velasco.

Ang isinasagawang pagsasaayos sa nasabing imprastraktura ay inaasahang matatapos ngayon ding taon./Remate News Team