Shear line, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

March 28, 2023 @6:30 AM
Views: 6
MANILA, Philippines – Inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands ang epekto ng shear line ngayong Martes, Marso 28 ayon sa PAGASA.
Maliban dito, maaapektuhan naman ng easterlies ang silangang bahagi ng bansa.
Sa ulat, makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands na posibleng magdulot ng flash floods o landslide sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dulot ng easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC
Barangay chairman, tiklo sa graft

March 27, 2023 @7:56 PM
Views: 74
MANILA, Philippines – Arestado ang isang incumbent Barangay Chairman sa Maynila sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Mismong sa loob ng Brgy. Hall ng 569, Zone 56, Sampaloc, Maynila ay inaresto nitong Lunes ng umaga, Marso 27 ang opisyal na si Roberto Icuscit Corpuz, 54 anyos at residente ng 718 Mindoro St., ng nasabing lugar.
Sa pangunguna ni PEMS Luis J. Coderes ng Intelligence and Warrant Section ng PS-4 MPD ay isinilbi ang warrant of arrest laban kay Corpuz.
Inisyu ni Hon. Renato Zaleta Enciso, Presiding Judge ng Manila RTC Branch 12 ang warrant of arrest na may P90,000 na piyansang inirekomenda.
Kasalukuyang nakaditene sa station custodial facility ang barangay chairman. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Task Force Serna binuo vs tandem na nakapatay sa Bulacan chief

March 27, 2023 @7:43 PM
Views: 60
BULACAN – Bumuo na ang Bulacan Police Provincial Office ng Special Investigation Task Group Serna para sa malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay San Miguel acting chief of police PLt. Col. Marlon Serna.
Napatay si Serna nang rumesponde sa insidente ng nakawan sa isang tindahan sa Brgy. San Juan, San Miguel hanggang tuluyang mapa-engkwentro sa tinugis na riding in tandem na sangkot dito pasado alas-9 ng gabi nitong Marso 25 sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso.
Kaugnay nito, sa isang Facebook post, nagpahayag ang PNP- Directorate for Police Community Relations na ang buong kapulisan ay nakikidalamhati sa pamilya ng kabarong si Serna.
Bilang pagluluksa at pagpapakita rin ng respeto ng buong hanay ng pulisya sa tapang at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin ni Serna ay naka-half mast na ang watawat ng Pilipinas sa Police Region Office 3.
Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa mga salarin. Dick Mirasol III
6 suspek sa Degamo slay, pinakakasuhan ng DOJ

March 27, 2023 @7:30 PM
Views: 64
MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng murder charges laban sa anim na suspek na sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Justice spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano na inirekomenda ng prosekusyon ng DOJ ang paghahain ng nine counts of murder laban sa anim na indibidwal sa pagpatay kay Degamo, ito ay sina Jessie Boy-ay, Jose Marie Ramirez, Jomar Canseco, Crispin Vallega, Jerome Maquiling, Florence Quinikito, Joseph Renada, at Michael Fabugais.
Aniya, ang mga suspek ay sasampahan din ng 13 counts ng frustrated murder at three counts ng attempted murder.
Ani Clavano, iimbestigahan pa ang frustrated murder charge laban kay
Diomedes Omatang dahil sa kakulangan ng dokumento na magpapatunay ng mga tinamo nitong pinsala sa katawan.
Ayon pa sa tagapagsalita ng DOJ, inatasan na ang National Bureau of Investigation-National Capital Region na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa di-umano ay recruiter at handler na binanggit ng mga respondents.
āThe cases will be tried jointly with the previous cases for murder filed by the Office of the Provincial Prosecutor of Negros Oriental against the four previous respondents who were caught and subjected to inquest proceedings recently,ā ani Clavano.
Matatandaan na pinagbabaril-patay si Degamo at walo iba pa noong Marso 4 sa mismong harap ng bahay ng gobernador.
Samantala, pinuri naman ni Clavano ang pagtatrabaho ng Joint Task Force Degamo.
āThe Department of Justice commends the work of the joint task force and lends its unwavering commitment to see this case through until justice is finally served,ā sinabi pa niya. RNT/JGC
Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff

March 27, 2023 @7:17 PM
Views: 62