Kristiyano, Muslim, Katutubo nagkaisa para kay BBM-Sara at Pederalismo

Kristiyano, Muslim, Katutubo nagkaisa para kay BBM-Sara at Pederalismo

April 20, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


No description available.

MANILA, Philippines – Mga Kristiyano, Muslim at Katutubo nagka-isa sa ilalim ng Christian-Muslim Democratic Coalition (CMDC) na susuporta sa kandidatura ni dating senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. bilang presidente at Mayor Inday Sara Duterte, bise-presidente sa darating na May 9 elections.

Ang Christian-Muslim Democratic Coalition ay inilunsad kamakailan ni El Shaddai Servant Leader Brother Mike Velarde, People’s National Council for Federalism, Inc.(PNC RevGov) sa pangunguna ni dating Makati Vice Mayor Bobby Brillante, Moro National Liberation Front (MNLF) Vice Chairman for Military Affairs Prof Punduma Sani, Bishop Ruben Lambojon, Chairman ng National Interfaith Council of the Philippines (NICOPHIL) at ng Multi-Sectoral Coalition for Agriculture and Agrarian Reform sa pamumuno ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz.

No description available.

Kabilang din sa bumubuo ng Coalition ang Cordillera Peoples Liberation Army (CPLA) sa pangunguna ni Chairman Mailed Molina, Bishop Ephraim Perez, Pangulo ng Independent Conference of Bishops of the Philippines (ICBP), Grand Imam Federation and Endowment Affairs, Inc., sa pangunguna ni Imam Padel Hassan at Acting Secretary Yusof Mando ng National Commission on Muslim Filipinos, Metro Manila Muslim Consultative Counci ni Director Mitoon Ibra at Liga ng Mag-uumang Probinsyano, Inc, sa pangunga naman ng kanilang pangulo na si Benjamin H. Santos.

No description available.

Sinabi ni Bobby Brillante, tagapagsalita ng Coalition, na siunusuportahan nila si Bong Bong Marcos dahil ito lamang ang presidential candidate na nanindigan upang isulong ang Pederalismo bilang bagong Sistema ng gobyerno at katunayan nito, sa dami ng partido pulitikal na nag-alok sa kanya ay pinili nya na maging kandidato opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Si Mayor Inday Sara naman, sa dinami-dami ng partido pulitikal na nanghimok sa kanya, kabilang na ang partido ng kasalukuyang administrasyon PDP-Laban na pinamumunuan ng kanyang ama, President Rodrigo Roa Duterte ay pinili nitong maging kandidato opisyal ng Lakas CMD bilang patunay sa kanyang adhikain at paninindigan sa pagsulong ng Christian-Muslim democracy at economic justice sa bansa, pahayag ni Brillante.

No description available.

Sa Interfaith Assemby na ginanap sa International House of Prayer sa Paranaque, Itinataya na sa nagkakaisang pagkilos ng CMDC na kayang mag deliver hanggang 8 million na boto sa national election sa Mayo 9 para kay Bong Bong Marcos bilang presidente, Mayor Inday Sara, bilang bise-presidente at sa Pamilya Muna Party List sa kongreso.