KUDETA SA KAMARA

KUDETA SA KAMARA

July 26, 2018 @ 8:00 PM 5 years ago


Sa isang kakaiba at tunay na hindi inaasahang pag­kakataon, nagpalit ang pa­munuan ng House of Representatives ilang minuto bago ang itinak­dang State of the Nation Address ng Pangulo.

Bilang resulta, ang labis na inaasahang SONA ay naantala ng isang oras at 20 minuto. Isang mahalagang panukala ang hindi rin naratipikahan ng administrasyon at nagkaroon ng pagkalito sa mga mamamayang naroroon kung sino talaga ang Speaker ng House.

Naging saksi ang naroon sa isang klase ng kudeta sa pamunuan ng Kamara ni Speaker Pantaleon Alvarez ng mga kalyado ni Deputy Spea­ker Gloria Macapagal-Arroyo at pinayagan nilang makaagaw ito ng kapangyarihan sa House.

Ngunit naging problema kung paano tatanggapin ng mga mamamayan ang mga pinuno ng House kung nakikitang nag-aagawan sila ng kapangyarihan sa isa’t isa na tulad ng mga paslit na nag-uutakan sa isang laro ng basketball sa lansangan o ibang kontes. Muk­hang ang maturity o pagi­ging sapat sa kaisipan ng mga mam­babatas ay na­hulog na sa kanal. Mag­reresulta ito sa negatibong larawan ng publiko sa ating mga pinuno.

Marami ang naniniwala na kahit paano ay da­pat nagparaya si GMA, lalo na’t mabubulabog ang SONA ng Pangulo dahil sa kanyang mga ginagawa para maagaw ang kapangyarihan. Hindi lang ito naging dahilan ng pagkaantala ng pagbibigay ng SONA kundi gusto ni GMA na makaupo sa pwesto agad-agad.

*              *              *

Pinanumpa si Arroyo bilang House Speaker ng kanyang mga kaalyado kahit walang magamit na mikropono kaya nahirapan ang kahit sino na ma­unawaan ang kanyang sinasabi. Gayunman,  maliwanag naman na nakataas ang kanyang kamay at may sinusumpaan.

Nawawala rin ang House Mace na sumisimbolo na ang Lower House ay nagsesesyon. Ayon sa opisyal na website ng House of Representatives, ang Mace ng House ay simbolo ng awtoridad na makikita sa paanan ng rostrum ng Speaker sa tuwing may sesyon ang House. Ayon sa isang propesor mula University of the Philippines, dahil wala ang Mace ay naging unofficial na pagtitipon ng mga kongresista ang naganap. Gayunman, marami ang naniniwala na nagtagumpay si GMA na makuha ang kanyang ha­ngarin.

Naniniwala naman ang Firing Line na hindi pa natin maki­kita ang katapusan ng pang-aagaw ng kapangyarihan.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. –  FIRING LINE NI ROBERT B. ROQUE, JR.