KUDOS SA PNP

KUDOS SA PNP

May 3, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


HAYAAN niyo muna kong pagpitaganan ang Philippine National Police (PNP) sa walang humpay na pagtugis sa mga suspek ng 2009 Maguindanao massacre.

Dahil kamakailan ay na­dakip nila si Datu Harris Ampatuan sa may Cotabato City.

Bilang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), kami ay nagalak sa kaganapang ito, at binibigyang-pugay ang PNP.

Kudos sa mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Brig. Gen Eliseo Cruz sa kanilang pag­kakadakip kay Datu Harris Ampatuan, isa sa mga matagal nang pinaghahanap na suspek sa massacre.

Saludo kami sa inyo, mga sir at mam ng PNP-CIDG, sa walang pagod ninyong pagsubaybay at pagtutok sa kaso, at sa inyong mahusay na pagtugis sa iba pang mga suspek.

Ang Maguindanao Massacre ang pinakamatinding pagyurak sa malayang pa­mamahayag sa larangan ng kasaysayan sa Pilipinas sa panahon ng eleksyon.

Nasa 58 katao ang sabay-sabay na pinatay, kabilang na ang 32 journalists at media workers, noong November 23, 2009 habang nasa caravan na saksi sa pagpa-file ng candidacy ni noon ay Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu para sa pagka-gobernador ng halalang 2010 sa Ampatuan, Maguindanao.

Nasakote ng PNP-CIDG si Datu Harris Ampatuan noong April 20, 2022 sa compound ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Cotabato City, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jocelyn Solis Reyes, ng Branch 221 ng Regional Trial Court (RTC) sa Quezon City.

Congratulations PNP-CIDG for the job well done at mga nakatulong na rin sa kanila!

Katuwang ninyo ang PTFoMS sa pagsubaybay sa mga ganitong kaso ng karahasan sa ating mga mamamahayag.

Assalamu Alaikum Wa­rahmatullahi Wabarakatuh!