‘Kuha sa Tingi’ project ng San Juan LGU, inilunsad

‘Kuha sa Tingi’ project ng San Juan LGU, inilunsad

November 5, 2022 @ 3:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpapasinaya sa “Kuha sa Tingi,” isang proyekto na nilikha upang tugunan ang plastic pollution crisis sa pamamagitan ng pagtatalaga ng refilling stations sa mga sari-sari stores, nitong Nobyembre 4, 2022 sa San Juan City Hall.

Ito ang pinakaunang proyekto ng local government unit sa pakikipagtulungan sa Greenpeace Philippines at Impact Hub Manila. Dinaluhan ito nina Mayor Zamora at Vice Mayor Warren Villa, Greenpeace Philippines country director Lea Guerrero, at Impact Hub Manila CEO and Founder Ces Rondario. Danny Querubin