Kulang na kagamitan, hamon sa oil recovery efforts sa Mindoro

Kulang na kagamitan, hamon sa oil recovery efforts sa Mindoro

March 3, 2023 @ 6:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Philippine Coast Guard spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na ‘intact’ pa ang industrial fuel lalo at operational fuel pa lamang ang nakolekta kahapon, Marso 2.

Gayunman, aminado ito na may hamon sa pagrekober ng langis sa ilalim ng tubig dahil sa kawalan ng kagamitan.

Una aniya ay ang kapabilidad ng mga technical divers.

Pangalawa, wala aniyang mga gamit at mechanical equipments na maaring dalhin sa ilalim ng dagat.

“Pinaghahandaan namin yung recovery, were involving also ‘yung mga stakeholders like major oil companies to contribute din sa effort ng government para kung sakaling lumabas siya ay macontain kaagad natin,” ani Balilo.

Ayon na rin aniya sa mga eksperto ay mahihirapan sa pagrekober at wala aniyang makitang ibang paraan kundi ang pagkakaroon ng mechanical equipment na pwedeng dalhin dito mula sa ibang bansa na submersible at maaring gamitan ng mahabang pump para makuha ang langis. Jocelyn Tabangcura-Domenden