Kulay pula, babaha na naman sa Maynila sa UniTeam grand rally

Kulay pula, babaha na naman sa Maynila sa UniTeam grand rally

April 22, 2022 @ 8:55 AM 2 months ago


MANILA- Tiyak na magkukulay pula na naman ang Maynila sa gaganapin na Grand rally ng Uniteam na pangungunahan nina Presidentiable BongBong Marcos at Vice-presidential Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez, bandang 3:00 PM sa darating na Sabado (Abril 23, 2022) isasagawa ang kanilang grand rally sa Bustillos St., Earnshaw St., Maynila.

Dadaluhan ito ng mga local candidate, congressman at mga senatoriable at kanilang magiging host at actress comedian na si Ai-ai delas Alas at actor comedian Bayani Agbayani.

Siniguro naman ni Lopez na magiging matagumpay ang gaganapin na grand rally sa lungsod para maipaabot sa mga Manilenyos at Sambayanang Filipino ang kanilang malinis na hangarin para magserbisyo sa bayan.

“Isa lang ang hangarin n gaming grupo kundi ang paglingkuran ang bawat Manilenyo at ibibigay ang dapat ay para sa Manilenyo at hindi iyong nanakawan ng kanilang karapatan o magbenta ng patrimonial property ng lungsod, tanggalan ng paaralan ang mga kawawang mag-aaral at pati health center at gigibain,” ani pa ni Lopez. RNT