Kumakalat na dokumento na gumagamit ng pangalan ng DOH OIC, peke

Kumakalat na dokumento na gumagamit ng pangalan ng DOH OIC, peke

July 15, 2022 @ 1:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Walang kasunduan o dokumento na nilagdaan ng Officer-in-Charge ng Department of Health (DOH).

Ito ang paglilinaw ng DOH sa inilabas na pahayag kaugnay sa natanggap na ulat ukol sa pekeng dokumento gamit ang pangalan ni Undersecretary Maria Rosario Singh- Vergeire, Officer-in-Charge ng ahensya .

Sa naturang fake document, humihingi umano ng assistance at nagso-solicit ng donasyon para sa umano’y nationwide medical mission.

“No agreement or document has been signed by the Officer-in-Charge,” saad sa public advisory ng DOH.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na maging mapagmatyag sa mga kumakalat na peke at huwad na dokumento dahil maaring magdulot ito ng kalituhan.

At ang masama, sila ay mga kriminal, ayon pa sa DOH.

Upang maitama at maberipika ang impormasyon mula sa Kagawaran, maaring bumisita sa official website ng DOH o anumang online platforms sa Facebook at Twitter. Jocelyn Tabangcura-Domenden