Kumalat na draft ng federal constitution, hindi totoo – ConCom

Kumalat na draft ng federal constitution, hindi totoo – ConCom

July 4, 2018 @ 4:34 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng consultative committee (ConCom) ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglabas na sila ng final draft ng federal constitution.

Ayon kay Ding Generoso, tagapagsalita ng komite, wala pang inilalabas na kopya ang panel at una nila itong ipakikita sa Pangulo.

Isang PDF file, na may 82 na pahina na umano’y kopya ng proposed federal constitution ang umikot sa social media kahapon at nilalaman ang ilang probisyon na isinulat noong June 27.

Kahapon ay inaprubahan na ng komite ang napagkasunduang draft ng mga babaguhin sa konstitusyon para sa paglipat ng gobyerno sa federal form.

Nauna nang sinabi ni Generoso na sa ilalim ng nasabing proposal, ay mayroong bubuuin na 18 rehiyon na kinabibilangan ng administrative region ng Bangsamoro, Cordillera at Negrosanon. (Remate News Team)