Kumalat na larawan ni Panelo na naka-swimsuit, photoshopped, edited

Kumalat na larawan ni Panelo na naka-swimsuit, photoshopped, edited

July 28, 2021 @ 2:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – FAKE NEWS.

Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo matapos kumalat sa social media ang isang billboard kung saan naglalarawan sa kanya bilang isang babae na nakasuot ng bikini o swimsuit.

Pinalalabas kasi ng mga netizens na siya rin mismo ang naglabas ng larawan na ito para dumami ang kanyang mga followers.

“It is unfortunate that there are unscrupulous individuals who dedicate their time and effort to discredit this representation,” ayon kay Panelo.

“While I find it incredible and unreal, there are still those gullible persons who believe that a photo of a billboard circulating online which depict me as a woman, wearing a bikini or swimsuit, came from me. They adopt a narrative that the same is a strategy to increase my following. I find this outrageous to the point of laughable,” dagdag na pahayag nito.

Giit ni Panelo, ang larawan sa billboard na kumalat sa social media ay hindi totoo. Edited o photoshopped aniya ito ng mga immoral na to.

“To set the record straight, such is not a real photo. It was just edited or photoshopped by these immoral and devious individuals as a means to attack my person. As a matter of fact, what I was wearing in the real photo of the billboard was a formal suit,” lahad ni Panelo.

“No such photo in a billboard exist,” binigyang diin ni Panelo.

Aniya, ang orihinal na billboard ay nananatiling nakatayo sa Katipunan Ave., Quezon City.

Ang fake photo sa billboard na kumakalat ngayon sa mass media ay kagagawan ng mga taong walang konsensiya.

“In addition, the very billboard itself did not even come from me but from a Counterpoint viewer and believer. I hope this clarifies the matter,” aniya pa rin. Kris Jose


  •  
  •  
  •