KUMAMPI SA MGA ‘HUDAS’

KUMAMPI SA MGA ‘HUDAS’

January 25, 2023 @ 1:26 PM 1 week ago


NANG italaga si Professor Clarita Carlos, isang academic luminary, bilang unang babaeng national security adviser, nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alam niyang tama ang kanyang desisyon. Isang sikat na political scientist, si Carlos ang nakita niyang kailangan ng National Security Council.

Siyempre pa, ang pasyang ito ng Ehekutibo ay nagmistulang kawit na bumaon nang malalim sa lalamunan ng mga nasa defense at militar. Napakaraming retiradong military generals, prominenteng political-military reservists at security consultants ang pumupuntirya sa posisyong walang pagdadalawang-isip na ibinigay ng Pangulo sa isang “outsider.”

Binansagan sila ni Carlos na mga “Hudas” o “Judases” sa isang panayam, na bahagyang nagkuwento kung paano siyang binatikos, inalipusta, at sinabotahe para raw siya masiraan. ‘Yun naman talaga ang inaasahan.

Kung mayroong hindi inaasahan, iyon ay kung paanong binanggit ng Punong Ehekutibo ang tungkol sa pag-aalangang maglahad ni Carlos ng panig nito na para bang may paranoia lang. Iwas-pusoy ba siya? O talaga lang wala siyang alam sa nangyayaring backstabbing sa gobyerno? Baka naman pumanig na siya sa mga “Hudas.”

***

Kumampi sa mga ‘Hudas’

Sa bisperas ng Lunar New Year, na isang malaking selebrasyon para sa mga Chinese, napaulat ang tungkol sa pinakahuling panggigipit ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda malapit sa Ayungin Shoal.

Alin sa dalawa: Ang pagbisita kamakailan ni Pangulong Marcos sa China, kung saan pangunahing sadya ang pag-uusap nila ni Xi Jinping, ay nauwi lang sa kunwaring pangako ng respeto at konsiderasyon para sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea; o talagang walang kontrol si Xi sa mga ginagawa ng kanyang coast guard na may 2,700 kilometro ang layo sa kanya.

***

Kung authentic Chinese dining experience ang hanap n’yo, bisitahin ang Teakha (o Tea House) sa 707 Shaw Boulevard, Kapitolyo, Pasig. ‘Di kayo magsisisi.

Tikman kung gaano kasarap ang kanilang dumplings, clams na may black beans, squid with salt and pepper, Teakha fried rice, radish cake, at Nestum Chicken (manok na sinahugan ng cereals).

Kabilang sa kanilang special dishes ang Roast Duck at Suckling Pig.

Kung hindi pa rin kayo kumbinsido, bisitahin ang kanilang website: https://www.facebook.com/teakha.ph/

Ang Teakha ay pagmamay-ari ni Mrs. Marivic Go.
Nilinaw ni Eugene Go, naging presidente ng dating Manila Millennial Lions Club at kasalukuyang

miyembro ng Manila Allied Lions Club at siyang nag-imbita sa amin sa food tasting, na hindi raw siya ang CEO.

“I’m just the HOO – Husband Of Owner.”

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.