Kumander ng NPA, 15 tropa sumuko sa Isabela

Kumander ng NPA, 15 tropa sumuko sa Isabela

March 31, 2022 @ 12:43 PM 3 months ago


ISABELA-Tuluyan ng tinalikuran ang pakikibaka sa pamahalaan ang isang dating kumander ng New Peoples Army o NPA kasama ang kanyang mga kasamahan at dating miyembro na labinlimang (15) sumuko bitbit ang kanilang mga armas sa Isabela Police Provincial Office o IPPO Camp Lt. Toda Jr., Ilagan City dito sa nabanggit na probinsya.

Pinangunahan na iprinisinta ni PCol. Julio Go kasama sina PLt.Col George Cablarda  Deputy Provincial Director for Administration, PLtCol. Pepito Mendoza, Deputy Provincial Director for Operation at iba pang opisyal ng kapulisansa mga mamamahayag ang mga kusang sumuko sa mga kapulisan bitbit ang kanilang high-powered firearm mula sa Sitio Lagis, Brgy. Sindun Bayabo, City of Ilagan, San Mariano at iba pang bayan ng nasabing lalawigan.

Kabilang sa Section Guerilla Unit (SGU) Komiteng Probinsya (KOMPROB) Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) ang mga sumukong rebelde na pinamumunuan ni Kumander ‘Ka Alpha’.

Boluntaryong sumuko ang dating mga rebelde sa mga tauhan ng CTG Tracker Team of 1st Isabela Police Mobile Force Company sa pamumuno ni PLtCol Jeffrey Raposas, Isabela Police Intelligence Unit, Ilagan CPS – IPPO, CIDG-Isabela, 201st Maneuver Company, Task Force Mangbalbaliw ng 86IB at 95IB ng 5th Infantry Division Philippine Army na nakabase sa Upi, Gamu, Isabela.

Ibinulalas ang sama ng loob at hinanakit ni kumander ka Alpha sa pagharap sa mga mamamhayag ang dinaranas sa kabundukan sa maling ideolohiya at pangako ng kilusan na sila’y mabibigyan ng marangyang kabuhayan habang silay sumanib sa makakaliwang grupo o NPA.

Simula noong siyam na taong gulang si Kumander  ka Alpha ay narekrut ng makakaliwa hanggang nasa tamang edad ay hindi niya naranasan at nakamit ang pangakong marangyang pamumuhay kung kayat sa huli ay naglakas loob at hinakayat ang kanyang mga miyembro at kasamahan na bumalik sa pamahalaan.

Ayon kay PCol. Go, ang mga sumukong rebelde ang dahilan kung bakit sila nahikayat na umanib sa grupo ay ang maling indoctrination laban sa gobyerno at kalaunan ay binigyan ang mga ito ng armas ng noo’y si “Ka Yuni” upang makipaglaban sa pamahalaan.

Samantala, mayroon ng 20 ang nai-turn over sa tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD), tatlo naman ang hinihintay pa ang pag-apruba at limampu’t walo pa ang kasalukuyang ipinoproseso ang kanilang pagkakabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Nagpapasalamat PCol. Go sa mga sumukong former rebels o dating rebelde sa pagtugon sa panawagan ng pamahalaan na sila ay sumuko at mamuhay ng tahimik para makapiling ang kanilang pamilya.

Pansamantala nasa kustodiya ng  Tracker Team at Task Force Mangbalbaliw 1st Isabela Provincial Mobile Force Company habang inihahanda ang kanilang matatanggap na tulong mula sa pamahalaan. Rey Velasco