Kumander ng NPA sa Cagayan, arestado

Kumander ng NPA sa Cagayan, arestado

December 10, 2021 @ 8:15 AM 10 months ago


CAGAYAN-Swak sa kulungan ang tinaguriang isa sa pinakamataas na lider at kumader ng New People’s Army (NPA) sa rehiyon dos.

Kinilala si Rolando Villarosa Ibis alyas “Ka Saro”, 49 na taong gulang, binata at residente sa Brgy. Remus, Baggao, Cagayan.

Si Ibis o Ka Saro ay isa sa pinakamataas na miyembro ng Squad 1 ng Platoon Alpha, East front Committee ng Komiteng Probinsiya Cagayan o KOMPROB Cagayan at dating East Commander ng Northern Front ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley o KRCV. 

Sa magkasanib pwersa ng 204th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 2, 77th Infantry Battalion, 5th Infantry Division ng Phil. Army, Baggao Police Station, Gattaran Police Station, Peneblanca Police Station at Provincial Intelligence Unit ng CPPO ay naaresto ng akusado.

Napag-alaman na sangkot si Ibis sa mga kasong Kidnapping with homicide, arson at rebellion.

Batay sa sa inilabas na warrant of arrest ay walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya nito. Rey Velasco