KUMIKITANG MODUS NG MAG-AMA SA MAKATI RTC

KUMIKITANG MODUS NG MAG-AMA SA MAKATI RTC

July 7, 2022 @ 11:36 AM 1 month ago


SADYA yatang itinataguyod ang husgado para sa patas ng pagdinig ng mga kaso.

Sa husgado walang dapat kinikilalang estado.

Ang bawat panig ay pinakikinggan at ang mga ebidensya ay hinihimay sa hangaring maarok ang katotohanang sandigan ng pasya ng hukuman.

Pero teka sa isang korte sa mayamang lungsod ng Makati, iba po ang galawan ng diskarte ng mag-amang tuso na si Daddy na isang hukom habang itong si anak naman ay tumatayong fixer sa mga asuntong hawak ng kanyang hukom na ama.

Ang sumbong ng isang nakausap nating negosyanteng na tawagin natin siyang sa pangalan Pards na aniya tumataginting ma P5M cash ang nakultab sa kanya ng isang nagpakilalang anak daw siya ng isang Judge sa Makati Regioal Trial Court.

Ayon sa napagtanungan natin sa Office of the Court Administrator ng Supreme Court mero ng kaparehas na reklamo ang atanggap ng Mataas na Hukuman hinggil sa modus ng mag-ama sa Makati RTC.

Aniya, nakaabang na ang imbestigasyon sa Hukom at sa kanyang anak na P10M na mana ang nakuha ng mag-amang hoodlum!

Susmaryosep!!!

Kamahal namang areguhan ng asunto na ‘yan sa husgado e parang sila-sila na na lang ang gustong mabuhay.

Ang matindi rito, aba’y pagkatapos tanggapin ang P5M na areglo ay binasahan ng sentensya ni Judge ang negosyante kaya dahil dito hinihikayat na rin si Pards na magsampa ng pormal na reklamo sa Mataas na Hukuman laban sa mag-amang tirador ng korte…

Syempre tsong, isasabay rito ang reklamo din sa naunang P10-M na nakulimbat.

Sa pag-amin ni Pars, naengganyo siya sa alok na tulong ng anak ni Judge na ang katwiran ng kolokoy ay masyado na kasing malaking abala sa kanyang maliit na negosyo ang asunto sa kanya sa korte pero ganon pa man ay nilinaw niyang tanggap naman niya ang hatol ng husgado…

ABANGAN ang karugtong.