Kumpirmado, Boy Abunda, balik-GMA!

Kumpirmado, Boy Abunda, balik-GMA!

December 8, 2022 @ 1:29 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Kumpirmado. Garantisado.

Asia’s King of Talk Boy Abunda is back on GMA.

Give-away na give-away ang art card na ipinost ng Kapuso network na larawan ng silyang kulay purple.

May bahagi kasi si Boy na The Purple Chair sa kanyang YouTube channel.

What’s more, kulang na lang banggitin ang pangalang Boy Abunda sa caption accompanying the art card.

The caption reads: “Handa na BA ang lahat sa homecoming ng isang showbiz icon?”

Take note na in capital letters ang salitang “ba” na initials ni Boy Abunda.

Nagkakaisa tuloy ang mga netizens na walang ibang showbiz icon na tinutukoy ang GMA kundi si Boy as he returns to the station where he started.

Bago lumipat si Boy sa ABS-CBN around 2000, he used to host the late night Show & Tell on GMA.

Nasundan ito ng Startalk noong 1995 bilang pioneer host along with Kris Aquino and Lolit Solis.

Ibig lang sabihin sa tuloy nang paglipat ni Boy sa GMA, plans of ABS-CBN to keep him bogged down.

Matatandaang sa kasagsagan ng balitang lilipat ng istasyon si Boy ay nilinaw niyang may pag-uusap with both channels.

Pero wala pa rin daw katiyakan ito dahil hindi pa siya pumipirma.

Yet Boy stressed despite his leaving GMA in 2000 to join its rival network ay hindi siya nagsunog ng tulay.

Inamin din niyang sobrang nami-miss na niya ang telebisyon bagama’t kinasanayan na rin niya ang ibang media platform.

Naalala pa ng writer na ito nang kaswal na sabihin ni Boy many years ago na naiimadyin niya ang kanyang sarili na magbabalik siya sa GMA.

The boy who foretold the future lang ang peg! Ronnie Carrasco III