Kumpirmadong kaso ng COVID-19, lumobo na sa 87: city govt

Kumpirmadong kaso ng COVID-19, lumobo na sa 87: city govt

March 26, 2020 @ 11:20 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Quezon City, Philippines — Kinumpirma ng pamahalaan ng Quezon City nitong Miyerkoles ang 15 pang karagdagang kaso ng COVID-19 sa siyudad, dahilan para pumalo na sa kabuuang bilang na 87 ang tinamaan ng virus.

Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay ng Siena, Sto. Cristo, BL Crame, Culiat, Manresa, Matandang Balara, Ugong Norte, Kalusugan, San Isidro Galas, Valencia, at Tandang Sora.

Tatlo rin ang bagong naitala na nasawi, dahilan naman upang pumalo sa 13 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa virus habang nananatili pa rin sa pito ang mga nakarekober.

Ayon sa mga opisyal ng siyudad, patuloy ang isinasagawang decontamination efforts upang mapigilan ang virus.

Nakapagpamahagi na rin ng 470,000 food packs sa mga pamilya sa siyudad.

Nauna nang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa state of public health emergency habang umiiral ang Luzon-wide community quarantine.

Mayroon namang 636 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan may 38 na nasawi at 26 nakarekober sa buong bansa. Remate News Team/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...