Kumpirmasyon ng 5 Duterte appointees nilaktawan ng CA

Kumpirmasyon ng 5 Duterte appointees nilaktawan ng CA

June 1, 2022 @ 1:33 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi napanatili ng huling limang appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang posisyon matapos laktawan ng Commission on Appointments (CA) ang kanilang ad interim appointments nitong Miyerkules.

Ipinagpaliban ng CA Committee on Constitutional Commissions ang hearing sa appointments ng mga sumusunod na opisyal:

  • Commission on Audit (COA) Chairperson Rizalina Noval Justol

  • Civil Service Commission Chairperson Karlo Alexei Nograles

  • Commission on Elections Chairperson Saidamen Pangarungan

  • Comelec Commissioner Aimee Torrefranca-Neri

  • Comelec Commissioner George Erwin Garcia

Nilaktawan ng bicameral commission ang kanilang appointment dahil hindi na pwedeng magsagawa ng hearing at plenary deliberations ang CA sa pag-adjourn ng sesyon ng Kamara sa Hunyo 3.

Sa hearing nitong Lunes, inirekomenda ni Senator Juan Miguel Zubiri rna bigyan si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng pagkakataon na pumili ng kanyang appointees para sa apektadong constitutional bodies. RNT/SA