Kumpirmasyon ng DepEd: Laptop ibinenta sa Cebu surplus shop

Kumpirmasyon ng DepEd: Laptop ibinenta sa Cebu surplus shop

February 21, 2023 @ 4:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na ang binili nitong mga laptop ay ibinenta sa isang surplus store sa Cebu, at sinabing nakikipag-ugnayan na ito sa mga awtoridad para maaresto ang mga salarin.

Lumitaw ang ulat ng binebentang gadgets noong Oktubre 2022 sa gitna ng imbestigasyon sa pagbili ng ahensya ng “overpriced” laptops para as mga guro, na sinita ng Commission on Audit (COA).

Nilinaw ng DepEd nitong Lunes na ang mga ibinenta sa Cebu ay bahagi ng computerization program nito at walang kinalaman sa sinita ng COA na binili sa pamamagitan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) noong 2021.

“The Department is now coordinating with relevant law enforcement agencies to apprehend the perpetrators,” pahayag nito.

Sinabi ring ng ahensya na bukas ito sa Senate Blue Ribbon Committee report kung saan inirerekomenda ang pagkakasa ng graft at corruption charges sa laptop procurement deal sa pagitan ng DepEd at PS-DBM. Hindi pa natatanggap ng DepEd ang opisyal na kopya ng report.

Nais ng Senate panel na kasuhan ang dati at bagong DepEd officials, kabilang si dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao dahil napag-alamang overpriced ang mga laptop nang ₱979 milyon.

Sinabi ng DepEd na ire-refer ang paghahain ng kaso sa Office of the Solicitor General para sa ebalwasyon at watong aksyon.

Idinagdag nito na mayroong pending administrative case laban sa isa sa mga empleyado nito na sangkot sa procurement.

Samantala, inihayag din ng DepEd na ang umano’y overpriced camera na nag-viral way bigay ng local government unit sa isa sa division offices nito.

Ito ang paglilinaw ng ahensya nitong Lunes, ilang linggo matapos akusahan online na bumili ito ng Canon DSLR camera sa halagang halos ₱156,000 kahit na may ibinebentang parehong modelo sa halagang ₱23,000.

Agad na binura ang orihinal naFacebook post mula sa isang photojournalist.

“The Department has traced the now-deleted post of photojournalist Jhun Dantes, and shared by the account of a certain Renato Reyes, of a Canon 1500D camera with a DepEd sticker attached indicating an acquisition cost of ₱155,929, as a property of the Schools Division Office (SDO) of Imus City,” pahayag ng DepEd.

“DepEd continues to call on netizens to be circumspect in their posts to ensure that no misinformation is propagated,” dagdag nito. RNT/SA