Kumpiskadong ismagel na agri product, halos P1B na-BOC

Kumpiskadong ismagel na agri product, halos P1B na-BOC

August 11, 2022 @ 7:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Halos pumalo sa P1 bilyon halaga ng mga agricultural products ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) simula noong Enero hanggang nitong Agosto ng taong kasalukuyan.

Batay sa inilabas na impormasyon ng BOC, nakapagtala sila ng 66 na kaso ng pagkumpiska ng mga agricultural products kung saan umabot ito sa P701.82 milyon halaga.

ibinida din ng BOC ang 25 na kasong kriminal na isinampa sa Department of Justice laban sa 71 unscrupulous individuals.

Ayon sa BOC, ito ay kinabibilangan ng mga importers, exporters, at customs brokers dahil sa unlawful importation at exportation ng agricultural products na may singilin na aabot sa P186.98 milyon at total duties and taxes na P76 milyon. JAY Reyes