Kumpiyansa ng investors mas lalakas sa pagbisita ni Marcos sa US – Concepcion

Kumpiyansa ng investors mas lalakas sa pagbisita ni Marcos sa US – Concepcion

September 28, 2022 @ 6:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Makapagpapalakas sa kumpiyansa ng mga investors na mamuhunan sa bansa ang 6-day working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Sinabi ito ni dating presidential adviser at GO Negosyo founder Joey Concepcion na maraming mga investors at ‘key individuals’ ang nagkaroon ng interes na marinig ang mga plano ni Pangulong Marcos sa kanyang naging aktibidad sa New York.

“Mataas ang kumpiyansa ng mga dumalo, mga investors sa mga plano ni President Marcos at ng gabinete at kasama ang private sector. Kami ang pumunta dito to support the current administration,” ayon kay Concepcion, bahagi ng Private Sector Advisory Council ni Pangulong Marcos.

Aniya pa, mahalaga na nakatuon ngayon ang atensyon ng pamahalaan sa ekonomiya dahil sa bumababa na ang halaga ng piso bunsod naman ng paglakas ng US currency.

Matatandaang nagbabala ang US Federal Reserve na magpapatupad ito ng mas mataas na interest rate sa mga susunod na panahon.

Ang halaga ng Philippine Peso ngayon ay nasa P59-level na laban sa US dollar.

“Siyempre that will affect also lahat ng presyo ng binibili natin kasi… dollars to buy. What’s important is the outlook of the investors, those who are in the country… are very positive because of this state visit in New York,” ayon kay Concepcion.

“If investors will come to the Philippines, they would help enhance the micro-, small-, and medium-sized enterprises (MSMEs) sector,” aniya pa rin.

May kabuuang 99% ng mga negosyante sa bansa ay MSMEs ayon sa datos ng DTI.

“Ang importante dito ay ang kumpiyansa ng investors sa PIlipinas talagang nagbago. Mas optimistic sila, mas bullish, and under the leadership of President Marcos, makikita nila ang participation ng private sector, mismong salesman,” anito.

Binigyang diin din ni Pangulong Marcos ang mensahe sa kanyang US trip na hihikayatin nito ang mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas.Philippines.”

“I also spoke about my administration’s priorities and plans for the next 6 years. And the engagement with Asia Society was a fitting end to a week in the UN and the United States that had one singular message: the time to invest in the Philippines is no longer just sometime in the future, it is now,” ayon sa Pangulo. Kris Jose