Kumpol ng tao sa election sorties, ikinabahala ni Duterte

Kumpol ng tao sa election sorties, ikinabahala ni Duterte

April 12, 2022 @ 10:35 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang Pangulo sa aniya’y pagkukumpol-kumpol na naman ng mga tao na makikita sa mga political rally at aktibidad na may kinalaman sa relihiyon.

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na ang nakikitang pagkukumpol-kumpol ang pinangangambahan ng mga eksperto na maging ugat ng sinasabing COVID surge na tinatayang mangyari pagkatapos ng halalan.

Ayon sa Pangulo, kung pumutok ang surge, masasayang lamang aniya ang bilyong perang ginugol na ng pamahalaan para sa COVID response.

Sinabi nito na hindi naman kasi ibig na kapag bakunado na ang isang indibidwal at nagkaroon na ng anti-bodies ay makakaiwas na ito sa posibleng re- infection.

“Kasi itong COVID ho, you can — hindi ito kagaya — it is not clear. You will have the antibodies, of course, if you have the vaccines. Pero it is not clear whether or not you are totally free, you might have some defenses but well hindi pa kla — it is not clear to me and to, well, a lot of people including the doctors, na ‘pag nabakunahan kayo then you have the antibodies it is not a guarantee — the vaccine — that you will not get reinfected,” ayon sa Pangulo.

‘So ‘yan ang inaano ko. Iyan ang habulin natin because kung pagka ganito na, mag-surge na naman tayo. You have — we have so many crowds lately, religious, political, at makita mo dikit-dikit ‘yung tao. And the medical experts, or the doctors even, are really worried about the closeness of human beings with each other — I mean physical kasi baka magpuputok na naman ang surge. Sayang ang pera, bilyon ang inano natin,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang-diin pa ng Chief Executive na hindi pa rin nawawala ang pandemya kaya’t mahalaga rin na mabakunahan ang nakararami kasama na ng booster at ito aniya ang pilit nilang ipinamumukha lalo na sa mga lugar na may mababang vaccination roll out gaya ng Bangsamoro region. RNT