Kumpyansa sa COVID-19 vaccine tumaas, pag-aalala sa side effect bumaba – global survey

Kumpyansa sa COVID-19 vaccine tumaas, pag-aalala sa side effect bumaba – global survey

March 5, 2021 @ 9:51 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tumataas ang kumpyansa ng buong mundo sa bakuna kasabay naman ng pagbaba ng pag-aalala sa mga side effect na maaring maidulot ng COVID-19 vaccines, ayon sa isinagawang global survey sa 14 bansa.

Sa sarbay na kapwa pinangunahan ng Imperial College London’s Institute of Global Health Innovation (IGHI) at ng polling firm YouGov, nakita na tumaas ang kumpyansa sa COVID-19 vaccines sa siyam mula sa 14 bansang kalahok.

Kabilang dito ang France, Japan at Singapore na dati ay mayroong mababang lebel ng kumpyansa.

Sa nasabing sarbey na isinagawa noong Pebrero 8 hanggang Pebrero 21, ang UK ang pinakawilling na mabakunahan sa 77%.

Ito ay mas mataas kumpara sa 55% noong Nobyembre matapos na aprubahan sa Britain ang  Pfizer and BioNTech COVID-19 vaccine.

Ang France, Singapore at Japan ay kabilang sa mga bansang malaki ang pagdududa sa COVID-19 vaccine, sa 40%, 48% at 48%, ayon sa pagkakasunod – pero nakita ang pagtaas ng antas ng kumpyansa mula sa dating 25%, 36% at 39% noong Nobyembre.

Nakita rin sa sarbey ang pagbaba ng pag-aalala sa posibleng maging side effect ng bakuna sa mas kaunting 45% ng lahat ng respondents.

Ang mga tao sa France, Singapore at Japan nanaman ang pinakanag-aalala sa side effects, sa 6 sa 10 ang nagpahayag ng pagkabahala (56%, 59%, 61%), habang ang UK ang pinaka-hindi nababahala.

Kalahok sa sarbey ang 13,500 katao mula Australia, Britain, Canada, Denmark, France, Germany, Israel, Italy, Japan, The Netherlands, Norway, Singapore, South Korea, Spain at Sweden. — Ulat mula Reuters


  •  
  •  
  •