‘Kun Maupay Man it Panahon’ nina Daniel Padilla at Charo Santos pasok sa Toronto film fest

‘Kun Maupay Man it Panahon’ nina Daniel Padilla at Charo Santos pasok sa Toronto film fest

July 30, 2021 @ 3:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pasok sa Toronto film fest ang pelikula nina Daniel Padilla at Charo Santos na ‘Kun Maupay Man it Panahon’ nito lamang Huwebes, Hulyo 29.

Ang pelikula ay napili bilang entry sa gaganapin na International Film Festival (TIFF) ngayong taon.

Ito ay patungkol sa mag-ina na sinusubukan mabuhay matapos nilang  makaligtas sa lakas ng bagyong Yolanda.

Noong Hulyo 28, Miyerkules kaakibat ng poster na inilabas sa Official Twitter account ng pelikula inanunsyo ang pagkapili sa kanilang palabas sa Toronto.

“We’re thrilled to announce that ‘Kun Maupay Man it Panahon’ (Whether The Weather Is Fine) is heading to Toronto International Film Festival for its North American premiere,” mula sa mismong Twitter page.

Ito ay binigyang direksyon ni Carlo Francisco Manatad at tampok rin dito ang baguhan na si Rans Rifol, na kabilang sa festival’s Contemporary World Cinema selections.

Katunggali ng naturang pelikula ang 19 na produksyon mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Pinuri naman ni Charo Santos ang aktor na si Daniel sa kanyang pagganap matapos ang paggawa ng pelikula noong Pebrero nitong nakaraang taon.

Magsisimula ang pagapapalalabas ng TIFF mga mananalo sa sa darating na Setyembre 9 hanggang 18. RNT/Kristine Fernandez-trainee


  •  
  •  
  •