Kung ang Malakanyang may “Laging Handa,” VP Leni may “Laging Mali” – Roque



Kung ang Malakanyang may “Laging Handa,” VP Leni may “Laging Mali” – Roque

March 3, 2021 @ 11:30 AM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Itinuturing ng Malakanyang na katapat ng “Laging Handa” press briefing ng gobyerno ang tinawag na “Laging Mali” ni Vice President Leni Robredo, ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, Miyerkoles.

Ang komento ni Roque ay nag-ugat sa sinabi ng Bise Presidente na dapat dumaan sa Health Technology Assessment sang-ayon sa Universal Health Care ang pagdating ng Sinovac sa bansa.

Paliwang ni Sec. Roque na malinaw naman kasi sa probisyon ng batas na ang HTAC ay isang transparent priority setting mechanism na recommendatory sa DOH at hindi mandatory gaya ng ipinalalabas ng Pangalawang Pangulo.

Giit ni Sec. Roque na tandang-tanda niya pa na kanyang kinuwestiyon sa kanilang talakayan noon sa Kongreso sa kung bakit kailangan pa ng HTAC gayung nandyan na ang FDA.

Ang HTAC ay grupo ng medical at health experts na itinalaga ng health secretary upang magsagawa ng assessment sa mga gamot, bakuna o iba pang health devices na aangkatin ng DOH o ng PhilHealth.

“Ang sinasabi po ni Madame Leni ay dapat daw dumaan sa health technology assessment sang-ayon po sa Universal Health Care. Eh nagkataon naman po tayo’y nagsulong ng Universal Health Care noong 17th Congress sa mababang kapulungan.

“So just for the information of VP Leni, babasahin ko na po ‘yong probisyon ng batos — batas Section 34 of the Universal Health Care ‘no: “The health technology assessment shall be institutionalized as a fair and transparent priority setting mechanism that shall be recommendatory to the DOH and PhilHealth.”

So hindi po totoo na ang sinasabi niya na requirement po ng Universal Health Care na mandatory daw,” ayon kay Sec. Roque.

“Okay, at panghuli, inuulit po natin ang nabanggit na natin kagabi, bilang pangunahing may akda ng Universal Health Care Law, ang unang panukalang ating isinulong ‘no sa unang araw ng Kongreso noong 17th Congress, hindi po minamandato ng Universal Health Care Law na kailangang sumailalim sa pagsusuri o review ang mga bakuna ng Health Technical Assessment Council – mali na naman po si VP Leni at kung sinoman ang kaniyang naging adviser. Kung kami po ay laging handa, mayroon pong mga laging mali.” Kris Jose


  •  
  •  
  •