Kung magbabawas ng empleyado, separation pay pinasisiguro ng DOLE sa ABS-CBN

Kung magbabawas ng empleyado, separation pay pinasisiguro ng DOLE sa ABS-CBN

July 14, 2020 @ 4:22 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho matapos hindi pagbigyan ng Kongreso ang renewal ng kanilang prangkisa.

Sa inilabas na pahayag ni Undersecretary Ana C. Dione, sinabi nito na ang hatol ay hindi inaasahan para sa libu-libong empleyado ng dambuhalang network ngunit walang magagawa ang mga mangagawa.

Aniya, kung hindi aniya talaga maiiwasan ang termination, pagbabawas o pagkatanggal sa trabaho, ang una aniyang dapat gawin ng ABS-CBN ay bayaran ang separation benefits  ng mga mangagagawa na matatanggal.

Sinabi pa ng opisyal na ngayon pa lamang ay nais nilang malaman king ilan talaga ang mga mangagagawa na kailangang makatanggap ng nasabing benepisyo.

“This is why our NCR regional office has been directed to determine exactly the number of ABS-CBN employees, who they are and what is the nature of their employment,” ani Usec Dione.

“We have taken note of the assertions by network executives that the plight and welfare of their thousands of workers was a primary reason why the ABS-CBN franchise has to be granted by Congress.”

Sinabi pa ni Dione na kailangan ibigay ng ABS-CBN ang nararapat na benepisyo at  kabayaran na isinasaad  ng batas kung tunay ngang nagmamalasakit ang network sa kanilang mga manggagawa.

Bukod dito, nakasaad naman sa batas na maaring magbawas ang kompanya ng kanilang mga manggagawa o tumigil sa operasyon upang mabayaran ang kanilang mga empleyado.

Samantala, nagpahayag naman ng kalungkutan ang opisyal sa nangyari matapos na hindi pagbigyan ng Kongreso ang renewal ng prangkisa ng nasabing network kung saan maraming mga empleyado ang apektado at nanganganib na mawalan ng trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...