KUNG MANANALO: Paano kukunin ang premyo sa lotto?

KUNG MANANALO: Paano kukunin ang premyo sa lotto?

October 5, 2018 @ 8:14 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Isa ka rin ba sa nangangarap na makuha ang jackpot prize sa lotto? Hindi naman kasi nakapagtataka kung kabilang ka sa milyon-milyong tao sa Pilipinas na nag-aasam na manalo dito. Sa laki ba naman ng jackpot prize sinong hindi magbabaka-sakali na mapanalunan ito?

Kung sakaling isang araw umulan ng kaswertehan at saktong wala kang payong at napanalunan mo ang tumatagingting na jackpot prize! Uy, balato naman.

Pero, alam mo ba kung paano mo makukuha ang iyong prize? Eto ang mga dapat mong gawin.

  1. Sa likod ng iyong winning ticket ay isulat mo ang iyong pangalan at lagdaan.
  2. Kung ang napanalunan mo ay P20.00 – P5,000, pwede mo itong kunin sa mga authorized Lotto outlet o sa PCSO Provincial District Offices sa iyong lugar.
  3. Kung P5,000 – P200,000 naman ang iyong napanalunan, pwede mo itong kuhanin sa mga PCSO Provincial District Office o sa PCSO Main Office sa lugar na malapit sayo.
  4. Kung ang Jackpot Prize naman ang naswertehan mo, kailangan itong iberipika, patunayan at kuhanin sa PCSO Main Office.

Ano naman ang proseso kung sakaling na-bull’s eye mo nga ang Jackpot Prize? Simple lang din, ang kailangan mo lang ay:

  • Community Tax Certification (Sedula)
  • Valid ID
  • Winning tickets

Kapag kinuha mo ang iyong Jackpot Prize, malamang marami itong proseso dahil nga naman malaking pera ito. Kaya naman, ito ang anim na paraan para ready ka na kung sakali man na dapuan ka ng kaswertehan.

  1. Dalhin mo ang mga requirements na kailangan sa PCSO Main Office kabilang na ang iyong lotto winning ticket syempre.
  2. Ipakita mo ang iyong winning ticket na mayroong pangalan at lagda mo sa Prize Audit Division o Internal Audit Department.
  3. Mag-fill up ng claim form.
  4. Kapag ikaw ay nakapag-fill up na. Next na gagawin mo ay magpunta sa Treasury Department. Ipakita lang ang authenticated winning ticket at approved claim form para sa mabilisang preparasyon ng iyong tseke.
  5. Kailangan ang tseke mo ay may lagda ng Chaiman/General Manager. Pagtapos non, pwede mo ng kuhanin at tanggapin ang tumatagingting mong premyo sa Treasury Department.
  6. Ang huling step, ay ipapalit ang iyong tseke sa Philippine National Bank/ Land Bank of the Philippines na malapit lang din sa PCSO Compound.

Ooops, ooops, ooops. Wait lang, hindi pa natatapos dyan! Kailangan alam mo rin na ang premyo mo ay makukuha mo lang kung ang winning ticket mo ay ipepresenta mo nang walang sira, walang bura at walang dumi.

Kaya, dasal-dasal na dahil ilang minuto na lang ay ibobola na ang ‘di matama-tamaan na 6/58 Ultra Lotto. Good luck! (Remate News Team / Ellaine Waje)