Kurobe tibag kay Satiago, Saitama sa V. League

Kurobe tibag kay Satiago, Saitama sa V. League

January 16, 2022 @ 12:38 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Matagumpay ang unang salang sa laro ngayong pagpasok ng taon si Jaja Santiago at ng kanyang Saitama Ageo Medics nang dispatsahin ang Kurobe Aqua FAiries, 25-20, 22-25, 25-23, 25-19 sa Japan V. League, Sabado ng gabi sa Saiden Chemical Arena.

Nakagawa ang Pinay import ng 16 puntos para sa panalo at 11 attacks at impreisbong 5 blocks habang namahala sa opensive si Tisheira Lorenne para sa Ageo sa inirehistrong 21 marka, 18 attacks, 2 blocks at ace.

Umangat na sa 9-6 ang panalo talo ng Ageo habang ang Kurobe ay sumadsad sa 2-13.

Ang pagbawing panalo ng Ageo Medics ay nagmula na rin sa  five set na pagkatalo laban sa Hitachi Rivale noong Dis. 5 kung saan 6 puntos lang ang nagawa ni Santiago.

Sisikapin nilang makapagrehistro ng isa pa muling panalo ngayong Linggo, kontra Kurobe. JC