KURYENTE MULA SA HANGIN PASPASANG GAWIN

KURYENTE MULA SA HANGIN PASPASANG GAWIN

November 19, 2022 @ 11:36 AM 2 weeks ago


NAPAKAGANDA ang programa ng pamahalaang Marcos ukol sa paggamit ng kalikasan, partikular ang
hangin, bilang tagalikha ng kuryente.

Kabilang sa mga programa ang pagtatayo ng mga wind mill o wind farm para lumikha ng kuryente at
kitang-kita ito sa medyo matagal-tagal nang windmill na itinayo sa Ilocos Norte na lalawigan mismo ni
Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. noong 2005.

Sa ngayon, mga Bro, may pito nang wind mill na nakakalat sa iba’t ibang lugar ng mahal kong Pinas.
Ang nasa mga bayan ng Bangui, Burgos at Ca-parispisan na matatagpuan lahat sa Ilocos Norte, ang nasa
Pililla, Rizal, ang San Lorenzo sa Guimaras, ang Puerto Galera sa Mindoro Oriental, ang na-sa Nabas sa
Aklan.

May itinatayo na ring iba pang wind farm sa Ba-laoi and Caunayan sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte
habang may itatayo ring Aklan 1 sa lalawigan naman ng Panay.

Pero tinatawag ang mga ito na onshore wind farm.

‘Yun bang === higit na nakatayo sa mga lupa bagama’t may mga bahagi na nasa mga karagatan o
pampang.

OFFSHORE WIND FARM

Ngayon naman, bukod sa pagpapalaganap ng mga onshore wind farm na nabanggit na natin, magtatayo
narin ang pamahalaang Marcos ng mga offshore wind farm.

Offshore wind farm ang nakatayo sa karagatan dahil sa paniniwalang mas makalilikha ito ng kuryente
kaysa onshore windfarm dahil sa pagkakaroon ng higit na suplay ng hangin sa dagat.

May 42 nang aprubadong proyekto rito na makalilikha ng 31 gigawatts.
Bahagi ang mga ito ng sinasabi ng World Bank na may potensyal na 178 gigawatts ang Pinas sa lawak ng
mga karagatan nito.

Matatagpuan ang mga ito sa Aparri sa Caga-yan; Frontera sa Cavite; dalawa sa Guimaras; at San Miguel
sa Camarines Sur at maaaring may ita-tayo rin sa Mindoro na susundan sa iba’t ibang bahagi pa ng
bansa.

1BILYON WATT SA 1 GIGAWATT

Sa pamamagitan ng onshore at offshore na planta ng kuryente sa bisa ng mga wind farm o wind mill, ang
hindi nasusuplayang mga isla ay mag-kakaroon na ng mga kuryente.

At madaragdagan din ng kuryente maging ang mga meron na nito at umaasa tayo ng pagmura ng
kuryente sa pagdami ng suplay nito.

May 1 bilyong watt sa bawat gigawatt at imadyi-nin na lang ninyo kung gaano karami ang maiilawan ng
31 gigawatts o 31 bilyong watt mula sa off shore na wind mill o farm.

Una, magkakaroon ng malinaw na pag-aaral ang mga bata maging sa gabi hanggang sa maging
produktibong mamamayan ang mga ito sa pagiging propesyunal sa edukasyon at propesyon.

Makalilikha rin ng mga negosyo o hanapbuhay ang mga mamamayan dahil may kuryente na sa paggamit
ng welding na importante sa paggawa ng mga makina, konstruksyon at iba pa.

Makagagamit na rin nang husto ang mga mamamayan ng mga kompyuter, cellphone, wifi at iba pa na
kailangan sa pag-aaral, negosyo, paghahanap ng trabaho, palitan ng salapi at marami pang iba.

Magbabago at uunlad ang bansa mula sa mga planta ng kuryenteng ito.

Anomang reklamo o puna, iparating lang sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.