Kuta ng NPA nakubkob ng militar

Kuta ng NPA nakubkob ng militar

June 4, 2022 @ 11:30 AM 3 weeks ago


MISAMIS ORIENTAL- Nakubkob ng militar ang kuta ng teroristang New People’s Army sa ilalim ng Guerilla Front Huawei, Sub-Regional Command 1 matapos makasagupa Biyernes sa lalawigan ito.

Ayon kay 58th IB-Philippine Army, nagsagawa sila ng operasyon laban sa mga rebeldeng grupo sa Brgy Banglay,Lagonglong,Misamis Oriental na nauwi sa engkuwentro.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan saka mabilis nagsitakas ang mga rebelde matapos masugatan ang ilan sa kanilang miyembro.

Sa isinagawang clearing operation ng militar sa naturang lugar nakita nila ang mga bakas ng dugo na posibleng ilan sa mga rebelde ang nasugatan.

Narekober naman ng militar sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang 4 na backpacks, teleskopyo, medical paraphernalia, personal na kagamitan at subersibong mga dokumento.

Nanawagan naman si Maj Francisco Garello Jr, tagapagsalita ng 4th ID,Philippine Army na kailangan nila ang 100 army reserve officers para sa Active Duty Tour for Training o CADTT special program para sa karagdagang pwersa laban sa teroristang grupo.

Sa sinuman na gustong maging reserved officers,ay tumawag lamang sa kanilang hotline numbers na 0917- 867- 9352 at 0960- 902-1132.

Sinabi pa ni Garello na aabutin ng 2-taon ang special program sa loob ng AFP. Mary Anne Sapico