Kuta ng NPA sa Cagayan, nakubkob ng militar

Kuta ng NPA sa Cagayan, nakubkob ng militar

January 30, 2022 @ 10:52 AM 8 months ago


CAGAYAN-Tuluyan ng nakubkob ng militar ang kampo ng New Peoples Army o NPA  sa bulubunduking bahagi ng Gonzaga, Cagayan kaninang umaga.

Sinabi ni Capt. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, Philippine Army, Gamu, Isabela, sa tulong ng mga mamamayan ay natunton hanggang sa nakubkob ng mga sundalo ng 501st Infantry Brigade, Philippine Army ang kuta ng mga NPA sa naturang lugar.

Tinatayang 40 na miyembro ng NPA ang nasa lugar at sila ay hinihinalang miyembro ng Komiteng Rehiyon ng Cagayan Valley at posibleng nagsagawa ng pagpupulong para sa nalalapit na anibersaryo ng NPA.

Hanggang sa ngayon ay nagsagawa ng hot pursuit operation ang tropa ng pamahalaan sa lugar katuwang ang Philippine Air Force (PAF) para suyurin ang kabundukan sa lugar na posibleng pinagtaguan ng mga rebelde. Rey Velasco