Kuta ng rebelde nakubkob ng militar

Kuta ng rebelde nakubkob ng militar

May 25, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


IFUGAO- Tuluyan nang nakubkob ng tropa ng 54th Infantry Battalion (IB) ang kuta ng New People’s Army (NPA) matapos amg sagupaan sa Barangay Namal, Asipulo, Ifugao.

Hinihinalang komunistang mula sa hanay ng Guerilla Front-Abra-Mt. Province-Ilocos Sur ang naka-engkwentro sa tropa ng pamahalaan ng halos 20 minuto.

Habang patakas ang mga rebelde ay akay-akay nila ang kanilang mga sugatang kasamahan dahil sa bakbakan.

Nakarekober ang tropa ng pamahalaan sa pinagkukutaan ng mga rebelde ang apat na anti-personnel mine na may 40-meter wire, 20 blasting caps, medical kits, anti-government documents, at personal na gamit.

Hanggang sa ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation ng military laban sa mga terorista. Rey Velasco