Kuwaiti beauty guru, iniwan sa ere ng mga kababayan dahil sa pagrereklamo sa Pinoy rights

Kuwaiti beauty guru, iniwan sa ere ng mga kababayan dahil sa pagrereklamo sa Pinoy rights

July 29, 2018 @ 11:30 AM 5 years ago


 

Kuwait – Hindi sinuportahan ng mga kababayan ng Kuwaiti social media influencer na si Sondos Al-Qattan matapos itong manindigan na hindi dapat payagan ang mga Pilipinong kasambahay sa Kuwait na hawakan ang kanilang pasaporte at hindi rin dapat bigyan ng day-off.

“I don’t support this in any way. What she is saying is completely illogical. Something like this is very controversial and they will cause themselves a lot of backlash. I’m sure 99 percent of Kuwaitis wouldn’t support what she said,” pahayag ni Talal Malik, host ng The Morning Show sa Marina FM.

Matapos umani ng pambabatikos na naging dahilan ng pagtalikod sa kaniya ng mga malalaking cosmetics company, hindi nagpapigil si  Al-Qattan at muling nag-post ng video kung saan sinabi niyang ang pambabatikos sa kaniya ay pag-atake rin sa Kuwait at sa Islam.

Pinabulaanan ito ni Malik at hinimok pa ang beauty guru na tigilan na kaniyang pagkokomento.

“No, not all. This is getting very silly. This conversation should stop because it is going nowhere. She said something, she should be very responsible for what she said. She should not take it to another level or another turn. I am a Kuwaiti myself and I’m sure that my family and most of my friends and if not all of them would be totally against what she said. She does not represent Kuwait in any way.”

Sa ilalim ng Kuwait domestic workers law na inaprubahan noong 2015, mayroon dapat pahinga at isang araw na day-off kada linggo ang mga domestic worker.

Bukod pa rito, sa pinirmahang memorandum of agreement ng Kuwait at Pilipinas, dapat hawak at kontrolado ng mga domestic worker ang kanilang pasaporte.

“Everybody who work, have the right to have a vacation, a rest day and everything. Since the agreement has been signed, I think everybody should stick to that agreement so all rights should be set for everybody,” sabi naman ni Manar Sanquor, Marina FM producer. Remate News Team