Kuwaiti national, arestado sa pagiging arogante

Kuwaiti national, arestado sa pagiging arogante

June 11, 2019 @ 3:53 PM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang  Kuwaiti national na inireklamo ng mga residente dahil sa pagiging arogante at pananakot.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI chief intelligence officer Fortunato Manahan, kinilala ang dayuhan na si Isaac Alameri, 59-anyos, na naaresto sa Guimaras island ng mga tauhan ng  Bureau’s Regional Intelligence Operations Unit (RIOU) VI.

Napag-alaman na iligal na nanunuluyan sa bansa ang arabo simula pa noong July 2017, paso na rin ang Kuwaiti passport nito.

Sa pagtatanong ng BI sa suspek, inamin nito na hindi siya makabalik sa kanilang bansa dahil wanted ito sa intelligence agencies sa kuwait at royal family.

Ayon kay Morente, nalaman ang impormasyon ng kinaroroonan ni Alameri nang may magpadala  sa social media page ng BI.

“We really act on all information we receive. Even through Facebook, as long as the information is complete and verifiable. He promised to “swiftly act on reports about illegal aliens,” and likewise urged the public to file complaints against foreigners who engage in unlawful acts” ayon pa kay Manahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden